2 patay sa umano'y summary execution sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2016 09:32 AM

MANILA - Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng Quezon Bridge sa Quiapo, Maynila, Linggo.

Dakong alas-4 ng madaling araw nakita ang mga bangkay na nakabalot ng duct tape ang mukha.

Mayroon nakadikit ring karatulang "Huwag tularan, pusher ako" sa kanilang mga damit habang mayroon naman nakapulupot na lubid na sa kanilang leeg.

Nakuha ang ilang pera sa lugar.

Nakasuot ng asul na sando at itim na shorts ang isang biktima. Naka-puting shorts at t-shirt naman ang isa pang biktimang tadtad ng tattoo ang katawan. -- Ulat ni Hajji Kaamiño, dzMM