VIRAL: Nova bus swerving sa Commonwealth Ave

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2016 12:06 PM

 

Muntik na :(

Posted by Mikhail Argel Tan on Wednesday, 23 March 2016

Nag-viral sa social media ang video ng isang Nova bus na nag-swerve sa may Commonwealth Avenue.

Ipinost ang video noong March 23 ni Mikhail Argel Tan.

Sa kuha ng dash cam, makikita ang mabilis na pagpapatakbo ng Nova bus bago nag-swerve at tamaan ang isang Elf truck.

Napakabig pa ang Elf truck pero dire-diretso lang ang Nova bus.

Nirekomenda na ni LTFRB board member Ariel Inton na isyuhan ng show cause order ang operator ng Nova bus.

Ayon naman sa HR coordinator ng Nova bus, nakakaramdam umano ng pananakit ng tiyan at LBM ang driver ng bus na nakunang nagsu-swerve.

Pinatawan na rin ng 30-day suspension ang driver ng bus simula noong March 24.

Video by Mikhail Argel Tan