PANOORIN: Sunog sumiklab sa San Andres, Manila

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2015 09:57 PM | Updated as of Nov 04 2016 01:51 PM

Nakunan ng mga larawan at video ni Bayan Patroller Jacqueline Idio ang nasusunog na junkshop sa Dagonoy cor. Perlita San Andres, Manila pasado alas-2 ng hapon, Marso 5, 2015.

Ayon kay SFO2 Cielito Rivera ng Manila Fire Station, 2:20 ng hapon nagsimula ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Iniimbestigahan pa ang sanhi at kabuuang halaga ng nasunog.