Mga punto de vista sa reaksyon ni Jinggoy:
Ito na yong dahilan kung bakit nasabing kong huwag masyadong magmadali si Jinggoy at tiyak darating din sa husgado ang mga akusasyon ni Lacson lalung-lalo pa at ito ay isang kasong murder gaya ng Bentain’s case. Alam ng mga nakakaintindi na pampa-“pogi points” lang ang hamon ni Jinggoy na magsampa si Lacson ng kaso.
Unang-una, hindi si Lacson ang naagrabyado o “aggrieved party” sa Bentain’s case kundi ang mga pamilya ng Bentain. Pangalawa, ang katungkulan ng pagsampa ng kaso ay nasa DOJ base sa resulta ng imbestigasyon ng NBI. Pangatlo, walang “personal knowledge” si Lacson sa nangyari kay Bentain. Ang kanyang impormasyon ay nanggaling sa isang “former police officer” na kasama sa krimen. Kaya nga sinabi niya na, “I will work to have my informant be a state witness”.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit umaray kaagad si Jinggoy samantalang wala namang binanggit na pangalan si Lacson maliban sa “the house occupant”. Maliwanag na ang ibig sabihin ng “house occupant” ay di lang si Erap kundi pati na rin ang kanyang mga anak at asawa.
Ang nakakapangingilabot sa sinabi ni Lacson na yong utak ay may “ACTIVE PARTICIPATION”. Ang ibig sabihin ng “active participation” ay direkta o aktuwal na sumama doon sa pagkidnap at pagpatay kay Bentain. Meron pala tayong “public official” na halimaw ang pagiisip! Tungkol naman doon sa tinuran ni Lacson na nagpunta yong “former police officer” sa folk street at sinabi na “mission accomplished sir” ay maaring tumukoy doon sa pagtapon ng bangkay ni Bentain.
Ang pagbanggit sa isyu ng wire-tapping ay isang pagamin. Para na ring sinabi ni Jinggoy na, "Totoo na nagusap kami ni Pareng Atong pero illegal yang pagkuha mo ng kopya sa usapan kasi wire-tapping yan.
Ang pagtanong ni Jinggoy sa kanyang tv interview na,"Ilalaglag ko ba ang tatay ko?" ay lihis sa katotohan. Sa nasabing "telephone conversations" ay sinabi ni Jinggoy na, "Pare huwag mo na kaming idamay ni mommy. Si daddy na lang, kayang kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya. Ako magpe-presidente pa." Maliwanag na hindi paglalaglag ng tatay niya kundi nagmakaawa siyang huwag idamay.
Ang pagtatanong niya sa nasabi ring tv interview na, "Sinong kapatid ko ang gumagamit ng droga ay nakakatawa. Noon, lumabas sa pahayagan ang kanilang alitan ng kapatid niya dahil na rin sa paggamit ng druga ng kapatid niya. Sa buong Pilipinas, si Jinggoy lang yata ang hindi nakakaalam sa sagot ng tanong niya!
Submitted by rockymickeyquick on Sat, 09/26/2009 - 06:16.









Comments