PNoy says Dolphy a good man

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2012 08:16 AM | Updated as of Jul 12 2012 01:29 AM

MANILA, Philippines - President Benigno "Noynoy" Aquino joined millions of Filipinos who are now mourning over the death of King of Comedy Dolphy.

In a statement,  Aquino praised Dolphy for being a good man.

"Mabuting tao si Dolphy, at kinakatawan niya ang karaniwang Pilipino: Malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa at handang harapin ang mga hamon ng tadhana."

He also acknowledged Dolphy's contributions to the entertainment industry.

"Nagmula sa isang henerasyong dumaan sa maraming pagsubok at sa pakikipagsapalaran ay natutong maging mapagkumbaba, matapat, at matulungin. Hindi kailanman niya tinalikuran ang mga kaibigan, at ang sambayanang naging bukal ng kanyang mga tagumpay.

 "Sa loob ng mahabang panahon, ipinakita sa  atin ni Dolphy na anumang pagsubok ay may katuwang na pag-asa at ligaya; mulat siyang anumang problema ay mapangingibabawan ng positibong pagtanaw sa kapalaran. Binago niya hindi lamang ang kaniyang industriya kundi maging ang pambansang kamalayan: Sa pamamagitan ng kaniyang sining, pinalawak ni Dolphy ang ating pananaw, at binigyan tayo ng kakayahan suriin, pahalagahan, at hanapan ng ngiti ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino."

"Nakikiisa ako at ang aking pamilya, sampu ng ating mga kasamahan sa gobyerno, sa pagluluksa ng pamilya Quizon ngayong gabi. Ang pagpanaw ni Rodolfo Quizon Sr. - Ang nag-iisang Hari ng Komedya - ay tiyak na nagdudulot ng lumbay sa isang bansang matagal niyang pinasaya."

Dolphy passed away Tuesday night due to multiple organ failure.