Palace calls June 12 rally 'showcase of democracy'

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2014 04:00 PM | Updated as of Jun 09 2014 05:55 PM

MANILA -- Malacañang believes that the upcoming Million People March to be held on June 12, Independence Day, shows that democracy in the country is actively practiced.

Communications Secretary Sonny Coloma on Sunday stressed that the government respects the right of the people to voice out their concerns.

He also vowed that the government will ensure the safety of everyone joining the rally.

"Ang Philippine National Police po ay mangangasiwa sa pagpapanatili ng kaligtasan, katahimikan at kaayusan para na rin po sa kapakinabangan ng ating mga mamamayan sa pagdaraos ng mga mass action sa darating na Araw ng Kalayaan. At sila po ay tatalima sa mga patakaran ng restraint at tolerance at 'yung pangangalaga na rin sa kaligtasan ng mga raliyista," he said.

Coloma added that the government is open to the suggestions and comments of the citizens on how to improve governance in the country.

"Iginagalang po natin ang karapatan ng ating mga mamamayan na magtipon-tipon at ipahayag ang kanilang mga saloobin. Ito po ay tanda o senyales ng isang masiglang demokrasya," he said.

"Mainam na nailalahad ng mga mamamayan ang kanilang mga saloobin. Mainam din po na nagkakaroon ng malayang talakayan hinggil sa mga usapin o isyu na kinakaharap ng sambayanan at handa naman pong makinig ang pamahalaan sa mga suhestiyon, sa mga panukala kung paano pa po natin mapapasigla ang ating demokrasya na bibigyan ng kahulugan 'yung kalayaan na tinatamasa natin ngayon na nakamit natin noon pang 1898 o 116 na taon na ang nakalilipas," he added.

He also invited all Filipinos to actively participate in the commemoration of the country's 116th Independence Day.

"Batid po natin na masigasig ang ating Pangulo na magsagawa ng mga mahahalagang reporma sa pamahalaan. Kaya po tayo nagtataguyod ng prinsipyo ng matuwid na daan ay para itaguyod 'yung pagbabago na magiging malawak at malalim at 'yung pagpapalakas ng mga institusyong publiko natin. 'Yung pagkakaroon ng integridad sa mga institusyon ng pamahalaan at 'yung mabuting pamamahala at tapat ang paglilingkod ng mga lingkod-bayan sa mga mamamayan. 'Yan po sana ang maging pokus ng ating darating na selebrasyon," he said.