PNoy compares Philippines to risen Christ

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2013 06:00 PM | Updated as of Mar 31 2013 02:00 AM

MANILA, Philippines - President Benigno Aquino said Filipinos should see themselves and the country as similar to Jesus Christ rising from the dead.

Aquino, in his Easter message, said Christ's resurrection mirrors every Filipino's hope for a better life.

"Ang pagbangon ni Hesukristo ay sumasalamin sa pag-asang pinanghawakan ng bawat Pilipinong makailang beses nalugmok sa kalbaryo ng korupsyon at katiwalian," he said.

"Batid ng sinumang may malinaw na kaisipan na tulad ng pagbangon ni Hesukristo, bumabangon na rin ang ating bayan. Mula nang naibalik sa mga Pilipino ang tunay na lakas ng pamahalaan at naiwaksi ang kultura ng pagkakanya-kanya at panlalamang. Nagawa nating buhatin sa landas ng kaunlaran ang ating bansa," he added.

He said in the past, Filipinos had to go overseas to find work. "Ngayon ay nagsisibalikan na sila dito dahil ramdam nila ang pagdagsa ng pagkakataon at ang kakaibang kumpyansa sa ating ekonomiya."

"Kung dati, hinahayaang maiwan sa laylayan ng lipunan ang milyun-milyon nating kababayan-ngayon, tinutulungan natin ang mahigit tatlong milyon walong daang libong kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program," he said. "Kung dati, nagtitiis sa silong ng puno ang mga estudyante-- ngayon inaasahan ng mabura ang animnapu't anim na libo't walong daang backlog sa silid aralan bago matapos ang 2013."

"Kung dati, ilang milyong metrikong toneladang bigas ang inaangkat at binubulok lang sa mga bodega-- ngayon, natatanaw na natin hindi lang ang pagiging self-sufficient sa bigas kundi ang pagiging exporter nito," Aquino said.

"Wala pong duda, sa pagpanig natin sa tama at sa pagbuhos natin ng malasakit sa kapwa sinusundan din natin ang mga yapak ni Hesukristo. Ngayong hindi na pansarili ang tutok ng pamahalaan at nakatuon na lamang tayo sa kapakanan ng taumbayan, naisalba rin natin ang bansa mula sa tiyak na pagsadsad at napipitas na natin ang maraming tagumpay," the President said.