Kanya-kanyang gimik na ang ilang bars at malls sa Metro Manila para ma-ka-engganyo na panoorin ng live ang bakbakang Pacquiao-Cotto. Excited na rin maging ang maraming lugar sa mga probinsiya para sa panibagong laban ng People's Champ. Nagpapatrol, Israel Malasa.
11/14/2009 10:11 PM
Kapwa pasado ang timbang nina pound for pound king Manny Pacquiao at Puerto Rican champion Miguel Cotto sa weigh-in para sa salpukan nila bukas! Pero kung kalmadong humarap ang dalawa, pinainit ng kanilang mga coach ang okasyon nang magkairingan sa entablado! Mula sa Las Vegas, Nevada, nagpapatrol Dyan Castillejo.
11/14/2009 10:10 PM
Patay sa pamamaril ang provincial election supervisor ng Isabela. Nag-a-asikaso ng kanyang hardin sa Countrystate drive-in hotel si Atty. Michael Valdez nang itoy barilin pasado alas singko ng umaga sa bayan ng Tumawini.
11/14/2009 10:09 PM
Tuloy sa pag-iikot ang mga nagdeklara nang tatakbo bilang pangulo sa 2010. Kanina, pare-parehong biyaheng Mindanao sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Senador Noynoy Aquino, at dating Pangulong Joseph Estrada para pulsuhan ang mga mamamayan doon. Nagpapatrol si Jay Ruiz.
11/14/2009 10:08 PM
Ubos na ang suplay ng petrolyo ng ilang gasoline stations! Pila na kasi ang mga motoristang nagpapa-full tank, dalawang araw bago ipatupad ang pagbawi sa Executive Order 839 o price freeze sa petrolyo! Live mula sa Timog Avenue sa Quezon City nagpapatrol si Cecille Lardizabal.
11/14/2009 10:07 PM
Nagdiwang ng kanyang kaarawan kagabi si dating Ilocos Norte Rep. Imee Marcos pero nagmukhang paglulunsad ng kanyang kapatid na si Congressman Bongbong Marcos ang okasyon.
11/14/2009 12:07 AM
MANILA - Naubos daw ni US Secretary of State Hillary Clinto ang inihandang hapunan ng Malacañang para sa kanya kagabi. Piling-pili lang ang mga inimbitahan sa state dinner kung saan tampok ang bangus, lapu-lapu at tinolang manok.
11/14/2009 12:06 AM
LAS VEGAS - Singing showdown nina Nanay Dionisia at idolong si Imelda Papin, naganap na! Wish come true nga ito para sa "Pacmom" na nagpakitang gilas din ng kanyang Chacha moves sa harap ng Jukebox Queen.
11/14/2009 12:06 AM