Syndicate content

Tv Patrol World

Pacquiao in 7th heaven with victory over Cotto

Gumihit ng kasaysayan si "Pound for Pound King" Manny Pacquiao matapos dominahin ang Puerto Rican na si Miguel Cotto sa kanilang salpukan. Kauna-unahang boksingero si Pacman na makakuha ng 7 world title sa 7 boxing divisions. Iuuwi rin ni Pacman ang kauna-unahang diamond belt ng WBC Nagpa-Patrol mula sa Las Vegas, Nevada, si Dyan Castillejo. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009. With footage from fight courtesy of Solar Entertainment

11/16/2009 2:07 AM


Mommy Dionisia keeps the faith

Nasa Amerika na pero hindi pa rin talaga nagpaawat sa pagkukulong si Nanay Dionisia Pacquiao para makapagdasal! May mabigat din siyang hiling sa anak na lalong hinangaan ngayon ng buong mundo! Mula Las Vegas, Nevada, nagpa-Patrol North America correspondent Bev Llorente. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009

11/16/2009 2:00 AM


Metro Manila pauses to watch history-making fight

Wala namang bakanteng puwesto sa lahat ng mga lugar at establisyimentong binuksan para sa libreng panunuod ng sagupaang Pacquiao-Cotto!

 

Sulit na sulit naman ang ginastos ng ating mga kababayang nagbayad pa, mapanuod lang ng "live" ang sagupaang Pacquiao at Cotto! Nagpa-Patrol sina Cecille Lardizabal at Jeff Canoy. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009

 

11/16/2009 1:58 AM


Groceries, markets ready for lifting of price freeze

Sa bisperas ng pag-aalis ng Executive Order 839 o price freeze, handa na ang mga tindera sa palengke at maging sa mga grocery at supermarket sa magiging galaw ng presyo ng mga bilihin simula bukas. Alamin kung anong mga produkto ang tataas ang presyo sa pagpa-Patrol ni Apples Jalandoni. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009

11/16/2009 1:57 AM


Analysts: Cotto no match vs Pacquiao

Napatunayang walang binatbat ang lakas ni Cotto sa bilis at lakas ng pambato ng mga Pinoy! Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga boxing experts na nagsasabing tunay ngang si Pacquiao ang pinakamagaling sa kasaysayan ng boksing ngayon! Nagpa-Patrol TJ Manotoc. TV Patrol Linggo, Nobyembre 15, 2009. With footage from fight courtesy of Solar Entertainment

11/16/2009 1:56 AM


Price hikes seen after lifting of oil price cap

Sa pagbawi ng Executive Order 839, inaasahang lolobo pa ang mga presyo ng mga bilihin! Iyan ang kinatatakutang problema ng mga minimum wage earners o yung mga kumikita ng 325 pesos kada araw sa NCR.
 

11/14/2009 10:19 PM


Marc Logan on boxing fever in RP

Handang handa na nga ang milyun milyong Pinoy para sa panibagong laban ni People's Champ Manny Pacquiao! Kaya naman ang sports fever sa ibat ibang lugar, umarangkada na naman! Yan po ang tinambayan ni Marc Logan.

11/14/2009 10:14 PM


RP boxer in critical condition after win

Nasa malubhang kalagayan ang Pinoy boxer na si Z "The Dream" Gorres. Ito'y bagamat naanalo siya sa nakasagupang Colombian boxer. Exclusive mula sa Las Vegas Nevada, nagpapatrol, Dyan Castillejo.

11/14/2009 10:12 PM


Video


More Videos


Section Page Ad Zedo


Tower 1


Tower 2