Kung si Senador Manny Villar naimbestigahan sa Senado dahil sa C-5 road extension controversy, nahaharap din ngayon sa imbestigasyon sa Kamara ang kanyang katunggali sa pagka-pangulo na si Senador Benigno Aquino III. Sentro ng congressional inquiry ang umano'y sobra-sobrang kinita ng pamilya Cojuangco at Aquino sa SCTEx project. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:15 AM
Naging madugo ang engkwentro sa pagitan ng mga residente at mga pulis nang i-demolish ang mahigit 100 bahay sa paligid ng isang mosque sa Baclaran kaninang umaga.
Sa eksklusibong video na nakuha ng ABS-CBN, kitang-kita ang nangyaring batuhan at barilan, ganun din kung paano natamaan ng bala ang isa sa mga residente. Nang humupa ang gulo, 3 ang namatay at halos 20 ang sugatan. Nagpa-Patrol, Dominic Almelor. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009
11/19/2009 1:14 AM
Lumabas na sa Senado ang resolusyong pirmado ng 12 senador na humihiling na ibasura na ang reklamo laban kay Senador Manny Villar sa isyu ng umano'y anomalya sa C-5 road extension. Pero sa halip na makatulong, mukhang makakasama pa ito kay Villar, dahil natuklasang nalinlang umano sa pagpirma ang ilang senador. Nagpa-Patrol, Jorge Cariño. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 5:13 AM
Hindi nakalusot sa camera ang matinding pag-iyak ng asawa ni Pacman na si Jinkee Pacquiao sa thanksgiving mass sa Las Vegas. Patunay nga ba ito na may lamat na ang relasyon ng dalawa? Sa unang pagkakataon, eksklusibong bumwelta si Pacman sa mga nag-uugnay sa kanya sa sexy star na si Krista Ranillo. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:38 AM
Ayaw paawat ni Rosanna Roces sa mga banat sa pamilya Revilla. Tutuluyan na raw nyang kakasuhan ang mga ito kapag hindi pa nya nakita ang apo sa lalong madaling panahon. Nagpa-Patrol Gretchen Fullido. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:29 AM
Nangako ang pamahalaan na tutulong kay Z Gorres, ang boksingerong inoperahan sa utak matapos mapuruhan sa kanyang laban. Pero may ibang atleta na nalagay din sa alanganin ang buhay pero walang nakuhang suporta. Nagpa-Patrol, TJ Manotoc. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 3:29 AM
Limang araw bago ang pageant, isinapubliko na ang multi-milyong pisong korona na ipuputong sa bagong Miss Earth! Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 3:27 AM
Zsa Zsa Padilla at Sharon Cuneta, lilipad pa-Beijing para sa Mano Po 6. Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 2:19 AM