Susan Roces, madamdaming inalala ang matibay na pagkakaibigan ni FPJ at yumao na ring kaibigang si Berting Labra. Ibinahagi rin ng pamilya Labra ang huling sandali nila kasama ang namayapang komedyante. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol, Miyerkules, Pebrero 11, 2009
02/11/2009 8:17 PM
Kabi-kabila ngayon ang mga piyesta sa mga barangay. At para mas maging masaya, sari-saring palaro ang ginagawa nila. At kapag nasobrahan na sa tagay, pati mga lasing ay pinag-bo-boksing! Ang "olympics sa barangay" sa pagpa-Patrol ni Marc Logan. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 9:25 PM
Maraming aplikante sa mga call center ang nari-reject dahil sa hindi tamang pagsasalita ng Ingles. Pero puwede palang maging agent kahit walang American accent. In demand na rin kasi ang mga non-voice BPO agents, na hindi kailangang makipag-usap sa telepono. Nagpa-Patrol, Niña Corpus. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 9:20 PM
Gusto mo ba ng trabahong nasisiyahan ka na kikita ka pa? Naghahanap ang isang kumpanya ng condom ng mag-asawa na susubok ng kanilang produkto. Ang suweldo, limampung libong piso. Nagpa-Patrol Jorge Cariño. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 9:16 PM
Sumasailalim na sa autopsy ang mga namatay na dolphins sa Bataan para malaman ang sanhi ng pagkasawi. Live mula sa Pilar, Bataan, nagpa-Patrol, Ina Reformina. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 8:50 PM
Nababahala ang isang NGO at ilang negosyante sa tinukoy nilang kawalan ng aksyon ng gobyerno sa umanoy katiwalian na binunyag ng World Bank. Imbes raw na kumilos ang pamahalaan, batikos pa ang inabot ng World Bank. Exclusive! Nagpa-Patrol, Ricky Carandang. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 8:31 PM
Sorpresang inilantad sa pagdinig ng Senado ang litrato ng mga ari-arian ni Celso Delos Angeles, may-ari ng tumiklop na Legacy Group of companies. Dapat daw gamitin ang mga ari-arian na pambayad sa mga nabiktima ng Legacy. Live mula sa Senado, nagpa-Patrol, Lynda Jumilla. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 8:28 PM
Mga sagabal at iligal na fishpens sa Binangonan, Rizal, sakit ng ulo ng mga bangkero! ‘Yan ang reklamong binantayan ni Adrian Ayalin, sa Bayan Mo, I-patrol Mo! Nagpa-Patrol, Niña Corpus. TV Patrol World, Martes, Pebrero 10, 2009
02/10/2009 8:22 PM