Hanggang sa pag-alis ni Manny Pacquiao sa Amerika, hinahabol pa rin siya ng isyung nag-uugnay sa kanya sa sexy star na si Krista Ranillo. Kapansin-pansin na magkahiwalay na dumating sa airport ang mag-asawang Manny at Jinkee. Mula sa Amerika, nagpapatrol, Los Angeles correspondent, Ivy Guevara.
11/20/2009 1:31 AM
Sa kabila ng kontrobersya sa personal na buhay, kasado na ang hero's welcome para sa pound-for-pound king na si Manny Pacquiao bukas. Pero nag-request si Pacman na iklian muna ang ruta ng kanyang parada. Nagpapatrol, TJ Manotoc.
11/20/2009 1:31 AM
Lumipad pa-Australia ang magkasintahang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez para dumalo sa kasal ng dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren. Si Regine pa mismo ang napiling umawit sa wedding march. Exclusive, nagpapatrol, Australia bureau chief Gigi Grande.
11/20/2009 1:31 AM
Pumanaw na ang batikang aktor na si Johnny Delgado ala una kinse ng hapon kanina. Bumigay na ang katawan ng 61 anyos na aktor matapos ang matagal na pakikipaglaban sa kanser na lymphoma.
11/20/2009 1:31 AM
Nagbuhos ng sama ng loob ang pamilya ni Jinkee Pacquiao sa isyu ng pagkakaugnay ni Pacman sa sexy star na si Krista Ranillo. Ang ama ni Jinkee, hindi na raw manonood ng pelikula ng manugang! Exclusive mula Sarangani, nagpapatrol Jay Dayupay.
11/20/2009 1:31 AM
Nanindigan si dating Senador Serge Osmeña na hindi na siya mapapabalik sa Liberal Party! Binalaan din niya si Senador Noynoy Aquino kaugnay ng pakikipagsanib-pwersa sa mga dating kakampi ng Pangulo. Live mula sa The Fort sa Taguig City, nagpapatrol Ces Oreña Drilon.
11/20/2009 1:31 AM
Punong-puno ng mga artista at sorpresa ang Advertising Congress sa Subic Freeport. Tampok rin sa okasyon ang Kapamilya shows na ipalalabas sa 2010. Live mula sa Subic, nagpapatrol si Ginger Conejero.
11/20/2009 1:31 AM
Inamin ni dating OMB chairman Edu Manzano na kapalit ng pagtakbo niya bilang bise-presidente ng partidong Lakas. Naisakripisyo naman ang relasyon nila ng girlfriend niyang TV anchor na si Pinky Webb.
11/20/2009 1:31 AM