Sinuportahan ng mga eksperto mula sa Amerika ang kredibilidad ng napiling sistema ng Comelec para sa computerization ng halalan. Live na nakausap sa pamamagitan ng teleconference sa Dela Salle University College of Law ang guest speakers na sina Minnesota Secretary of State Mark Ritchie and election administration expert na si Prof. Rachel Smith.
11/07/2009 1:21 AM
Inamin na ng Malacañang na miembro ng Presidential Security Group ang armadong lalaking humawi sa camera ng ABS-CBN News team. Ito'y habang kinukunan ang bahay sa Lubao, Pampanga na ipinapatayo umano ni Pangulong Arroyo. Nilinaw din ng Palasyo na walang kinalaman ang bahay sa espekulasyong kakandidato ang Pangulo bilang kongresista sa Pampanga.
11/07/2009 1:20 AM
Dalawang entry sa Metro Manila Film Festival ang umano'y nanganganib hindi maipalabas dahil sa nalalapit na halalan. Umalma naman ang ilang artista sa pagbabawal sa kanilang lumabas pa sa TV o pelikula dahil sa isyu ng maagang pangangampanya.
11/07/2009 12:52 AM
May bagong karangalan na namang natamo si Manny Pacquiao. Siya ang kauna-unahang atletang Asyano na naging cover ng Time Magazine Asia edition, kahanay sina Michael Jordan, Tiger Woods at iba pang sports legends.
11/07/2009 12:46 AM
Muling kakausapin ni Sen. Noynoy Aquino si dating Pangulong Joseph Estrada sa pag-asang mapagkaisa pa ang oposisyon. Nagparamdam na rin si Sen. Aquino sa balwarte ng pinsan niyang si Congressman Mark Cojuangco ng Nationalist People's Coalition sa Urdaneta, Pangasinan.
11/07/2009 12:39 AM
Patay ang isang ina at dalawang taong gulang niyang anak matapos pagtatagain ng isang lalaking nakaaway ng mister ng biktima. Pati limang buwang sanggol, inatake rin ng suspek.
11/07/2009 12:25 AM
Dumistansya ang Malacañang sa kagustuhan ng convicted rapist at dating congressman Romeo Jalosjos na makakuha ng absolute pardon.
11/07/2009 12:16 AM
Inamin na ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na isa si Sen. Loren Legarda sa mga napipisil para maka-tandem niya sa halalan sa 2010. Pero ang ibang kapartido ni Teodoro si Sen. Bong Revilla ang itinutulak para maging pambato sa pagka-bise presidente ng administrasyon.
11/07/2009 12:15 AM