Katrina Halili recounts ‘ordeal’ in sex video

Nasaktan  si Katrina Halili sa matinding pag-urirat ng korte sa detalye ng sex video nila ni Hayden Kho. Full-support naman kay Hayden si Dra. Belo na tiwalang maibabalik sa boyfriend ang lisensya nito bilang doktor. Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol, Lunes, Hulyo 5, 2010

Ruffa, Ai-Ai react to Kris-James separation

Dati nang binagyo ang pagsasama ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap, pero nalampasan nila ito. Pero ngayong niyayanig muli ang kanilang relasyon, di naiwasan ng mga kaibigan ng mag-asawa at fans na maglabas ng saloobin. Narito ang report. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 2, 2010

Charice: Idol Lea Salonga is in a class of her own

Judy Ann Santos, excited na ikinuwento ang resulta ng kanyang pagpapa-ultrasound! Pakumbabang nakiusap naman ang Pinay sensation na si Charice, na huwag na silang ikumpara pa ng idolo niyang si Lea Salonga! ‘Yan sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual. TV Patrol, Biyernes, Hulyo 2, 2010

James Yap: I will defend our marriage

Batid ni Ruffa Gutierrez ang hirap na pinagdadaanan ng dati niyang kasama sa The Buzz na si Kris Aquino, lalot dumaan na siya sa hiwalayan. Mula naman sa matipid nyang pahayag, buong-buong naglabas ng saloobin si James Yap na iginiit na isasalba ang relasyon nila ni Kris! Nagpa-Patrol  Gretchen Fullido. TV Patrol, Huwebes, Hulyo 1, 2010

A makeover fit for a bachelor president

Bawat kilos ng presidente,  tinututukan ng kamera -- kaya pati istilo ng pananamit ni Pangulong Aquino -- binusisi. Pero bilang first bachelor president, ano kaya ang magiging pang-araw-araw na porma ni Aquino? Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol, Huwebes, Hulyo 1, 2010

Why was James Yap absent from brother-in-law’s inaugural?

Hindi na dumalo ang asawa ni Kris Aquino na si James Yap sa panunumpa ni President Benigno Aquino III. Ito'y kahit una niyang sinabi sa media na handa na ang kanyang susuoting barong para sa panunumpa ng bayaw! Ang dahilan ng di pagsipot ng basketbolista sa ekslusibong pagpa-Patrol ni Ginger Conejero. TV Patrol, Miyerkules, Hunyo 30, 2010

 

Showbiz in full force for Aquino inauguration

Buong puwersa ang industriya ng showbiz sa pinakamakislap na inagurasyon sa kasaysayan. Hindi rin nawala ang mga artistang nangampanya kay President Noynoy Aquino maliban sa host na si Boy Abunda. Nakaw-eksena naman ang bunso ni Kris Aquino na si Baby James! 'Yan sa pagpa-Patrol ni Marie Lozano. TV Patrol, Miyerkules, Hunyo 30, 2010

 

Charice excited, nervous for performance in inauguration

May kaba si Charice sa pagkanta niya ng Pambansang Awit bukas sa oathtaking ni President-elect Benigno Aquino III! Nasa final rehearsals na rin ang higit 100 performers na makikiisa sa makasaysayang panunumpa! Nagpa-Patrol Marie Lozano. TV Patrol World, Martes, Hunyo 29, 2010

'Bayan Ko': From protest hymn to inaugural song

Sa makasaysayang panunumpa ni President-elect Benigno Aquino III, muling maririnig ang awiting "Bayan Ko' na naging bahagi na ng pinakamahahalagang yugto sa buhay ng pamilya Aquino at ng sambayanang Pilipino. Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol World, Martes, Hunyo 29, 2010

Star-studded inaugural party at Quezon Memorial Circle

Makikisaya ang buong bayan sa victory party matapos ang panunumpa bukas ni President-elect Benigno Aquino III! Magarbo ang selebrasyon na siksik sa artista! Pero pati ang ilang malapit kay P-Noy may surprise number! Nagpa-Patrol, Ginger Conejero. TV Patrol World, Martes, Hunyo 29, 2010