Ipinababalik ng PNP ang parusang habambuhay na kulong para sa mahuhulihan ng hindi lisensiyadong baril! Maghihigpit na rin sa paglilisensiya ng baril at patitindihin ang kampanya kontra sa loose firearms lalo na't palapit na ang halalan. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Huwebes, Nobyembre 5, 2009
11/06/2009 3:13 AM
Kahapon, may mga binaha sa Isabela. Kanina, naman sa Bicol. Nagka-landslide din dahil walang tigil kakaulan simula pa kagabi. Bandila, Huwebes, Nobyembre 5, 2009
11/06/2009 3:12 AM
Hindi lang ang magpinsang sina Senador Noynoy Aquino at Secretary Gilbert Teodoro ang magsasagupa sa angkan ng Cojuangco sa 2010. Posibleng dalawang kapatid ng business-tycoon na si Danding Cojuangco, mag-agawan sa puwesto sa unang distrito ng Tarlac. Nagba-Bandila Ces Oreña-Drilon, Miyerkules, Nobyembre 4, 2009
11/05/2009 1:20 AM
Nagbabanta ring tumaas ang presyo ng karneng baboy kapag inalis ang EO 839. Reklamo kasi ng mga tindera ng baboy, mahal nilang hinahango ang baboy.pero, hindi naman nila maitaas ang presyo dahil sa EO 839. Kaso, may EO o wala, talagang pataas na ang presyo ng baboy ngayong magpapasko dahil kulang na rin ang supply. Bandila, Miyerkules, Nobyembre 4, 2009
11/05/2009 1:19 AM
Tinawag ni presidential economic adviser Joey Salceda na matinding pagkakamali at mukhang hindi napag-isipan ang utos ng Pangulo na pumigil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ikinagalit naman ito ng mga namamasada. At, nagbanta silang magwewelga! Magba-Bandila si Maricar Bautista, exclusive. Bandila, Miyerkules, Nobyembre 4, 2009
11/05/2009 1:16 AM
Nakalaya na ang 11 military officers na nasangkot sa Marines standoff noong 2006. Ang haharapin naman nilang problema: ang bumagsak na kabuhayan ng kani-kanilang mga pamilya. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Martes, Nobyembre 3, 2009
11/04/2009 12:45 AM
Mahahati ang Tarlac! Marami ang namu-mroblema ngayon kung saan papanig sa magpinsang sina Senador Noynoy Aquino at Secretary Gilbert Teodoro na parehong kakandidato bilang pangulo. Inaabangan din kung sino sa kanila ang babasbasan ng tiyuhin nilang si Danding Cojuangco. Bandila, Martes, Nobyembre 3, 2009
11/04/2009 12:44 AM
Naglalamay ngayon ang Comelec para tapusin ang mga nabitin magparehistro. Ngayong hatinggabi ang deadline. Pero, baka ituloy pa rin ito ng Comelec hanggang bukas. Ang tinitiyak lamang nila, matatapos ito sa loob ng linggong ito. Mula sa Comelec registration center sa Quezon City, nagba-Bandila si Cecille Lardizabal. Bandila, Martes, Nobyembre 3, 2009
11/04/2009 12:43 AM