Tinangkang pakalmahin kanina ni Energy Sec. Angelo Reyes ang umaalmang mga kumpanya ng langis na walang balak ang gobyerno na mag-take-over para matiyak ang supply ng diesel at gasolina.
Pero, may babala ngayon ang Policy Center ng Asian Institute of Management: maglalayasan daw ang mga kapitalista kapag hindi pa rin tinanggal sa linggong ito ang utos ng Pangulo na nagpapako sa presyo ng petrolyo.
Bukod diyan, ang sinasabi ng respetadong think tank, kung may mga nahihirapang magpakarga ngayon, mas masakit ang napipintong pagsirit ng presyo sa oras na tanggalin na ang price freze. Bandila, Miyerkules, Nobyembre 11, 2009
11/12/2009 3:00 AM
Kung nangunguna sa presidential surveys sina Senador Benigno Aquino III ng Liberal Party at Senador Manuel Villar ng Nacionalista Party, halos mag-unahan din ang kani-kanilang mga partido sa pagdadagdag ng mga bagong miyembro. Bandila, Miyerkules, Nobyembre 11, 2009
11/12/2009 2:57 AM
Maraming nililigawan na makatambal ni Sec. Gilbert Teodoro bilang pambato ng Lakas-Kampi-CMD, pero, walang mapasagot. Ang isa sa mga sinusuyong si Edu Manzano, nililigawan din ng dalawa pang partido. Magbabandila si Jeff Canoy. Bandila, Miyerkules, Nobyembre 11, 2009
11/12/2009 2:56 AM
Lahat halos ng nasangkot sa naudlot na ZTE deal, inire-rekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan. Halos walang napuwera, pati si First Gentleman Mike Arroyo at ang mga tumestigong sina Jun Lozada at Joey de Venecia. Ang Pangulong Arroyo naman maraming dapat ipaliwanag. Magba-Bandila si Joey Villarama. Bandila, Martes, Nobyembre 10, 2009
11/11/2009 4:30 AM
Animated Christmas display sa Marikina, pang-dekorasyong gawa ng mga bilanggo, at ang pagpapailaw ng mga Christmas decorations sa Iloilo City, 'yan ang mga patok na balita ni Rod Macenas. Bandila, Martes, Nobyembre 10, 2009
11/11/2009 3:54 AM
Maraming pakulo ang mga pulitiko para manligaw ng mga botante. Ngayon, nagiging hi-tech na ang mga diskarte. Ang bagong nauuso: video blogging via satellite. Magba-Bandila si Jing Castañeda. Bandila, Martes, Nobyembre 10, 2009
11/11/2009 3:52 AM
May nagrerekomenda na inspeksyunin na ang mga oil depot para malaman ang dami ng stock ng mga oil companies. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Martes, Nobyembre 10, 2009
11/11/2009 3:50 AM
Naiyak nga si ZTE star witness Jun Lozada nang makita ang report ng Senate Blue Ribbon Committee. Nagmukha daw siya ang inimbestigahan. Ang inaangal ni Lozada, mababaw daw ang akusasyon laban sa Pangulo at sa First Gentleman. Bandila, Martes, Nobyembre 10, 2009
11/11/2009 3:48 AM