WATCH: Hunk cop asked about indecent proposals

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2014 04:04 PM | Updated as of Aug 15 2014 04:03 AM

MANILA – Mariano Flormata Jr., the police officer who became an instant celebrity after joining a male beauty pageant, gamely answered questions in a television interview on Thursday.

Flormata, who is one of the candidates of Misters of the Philippines 2014, said he hopes to promote the healthy lifestyle of police officers through his pageant stint.

In an interview on the ABS-CBN morning show “Umagang Kay Ganda” on Thursday, Flormata answered questions from both the hosts and selected netizens.

Q: Saan galing ‘yung Neil Perez?

A: Naisipan lang ng handler ko.

Q: Bakit mo naisipang sumali sa Misters of the Philippines?

A: To promote a healthy lifestyle and to be a role model to the PNP para [makita nila na] ang pulis ‘di lang basta humuhuli ng criminal, pwede rin pong sumali sa ganitong pageant.

Q: Sikat na sikat ka na. May mga nagpapa-picture na ba sa’yo?

A: Meron na rin po simula po noong ano [kumalat sa Internet ‘yung mga litrato].

Q: Ngayon ang dami nang nagsasabi na ang gwapo-gwapo mo. Anong pakiramdam mo?

A: Natutuwa po.

Q: Nakatanggap ka na ba ng indecent proposal? Paano mo ito hina-handle?

A: Sa ngayon, wala pa po.

Q: Kung saka-sakaling meron, paano mo iha-handle?

A: Depende po kung ano po ‘yung mga… kung ano po yung mga ano nila (smiles).

Q: Kung papipiliin ka, kanino mo gustong sumama -- sa babaeng mayaman pero di kagandahan, o sa babaeng hindi mayaman pero kagandahan?

A: Sa girlfriend ko (laughs).

Q: Saan kayo nagkakilala?

A: Sa Tondo rin po.

Q: Anong reaksyon niya sa lahat ng ito?

A: Masaya rin po siya.

Q: Selosa ba siya?

A: Hindi po.

Q: Pulis din ba?

A: Hindi po.

Q: Iiwan mo ba ang iyong tungkulin bilang pulis pag nanalo ka sa Misters of the Philippines?

A: Hindi po, pulis pa rin po ako.

Q: Kahit mag-artista ka?

A: Pulis pa rin po ako.