Pangangaliwa, namamana sa magulang?

Pia Regalado, ABS-CBN News

Posted at May 05 2016 01:56 AM

Reuters

"Like father, like son." "Like mother, like daughter."

Madalas itong naririnig kapag inihahalintulad ang mag-ama o mag-ina, mabuti man o masama ang nabanggit na katangian.

Ngunit maniniwala ba kayo na namamana maging ang pangangaliwa?

Sa programang "Private Nights", ibinahagi ni Dr. Lulu Marquez ang isang pag-aaral sa Binghamton University sa New York ukol sa "thrill-seeking gene" na kung tawagin ay dopamine receptor D4 gene (DRD4).

Sa pag-aaral ni Justin Garcia, isang doctoral fellow ng evolutionary biology ng nasabing unibersidad, ipinaliwanag nito na "promiscuity and infidelity could be a genetic trait for some human beings. People who are unfaithful to their partners may be genetically predisposed that way."

Ang nasabing DRD4 gene ay konektado sa "sensation-seeking" na pag-uugali.

Sa kanyang pag-aaral, inaral ang DNA ng nasa 181 young adults, kapwa lalaki at babae. Ayon sa pag-aaral, kapag may DRD4 ang isang indibidwal, mas malaki ang posibilidad na mangaliwa ito sa magiging partner nito.

"What we found [out] was that individuals with a certain variant of the DRD4 gene were more likely to have a history of uncommitted sex including one night stands and acts of infidelity."

Ito rin ang gene na umano'y responsable sa taas ng posibilidad na umiinom ng alak, nagsusugal, o mahilig sa horror movies ang isang indibidwal.

Gayumpaman, diin ni Marquez na hindi ito nangangahulugang hindi magiging tapat ang indibidwal sa kanyang kabiyak o kasintahan.

"There is a gene involved pero kahit na meron ka ng gene na iyan, it does not mean na magiging infidel ka. It's still a choice," aniya.

Iba't ibang klase ng pangangaliwa

Paliwanag ng doktor, ang infidelity o pangangaliwa ay maaaring ginagawa ng mga lalaki o mga babae.

"Mataas ang statistics na ang lalaki ang mas cheater kaysa sa babae although may mga babaeng cheaters."

Banggit pa nito, maaaring ginagawa ito ng mga single o maging ng mga may-asawa dahil sa iba't ibang dahilan, kabilang na ang kawalan ng kasiyahan sa aspetong emosyonal at sexual.

Batay aniya sa isang pag-aaral, madalas ito sa mga:
- edukadong indibidwal
- hindi relihiyoso
- taga-lungsod
- nasa lugar na maraming maaaring makilalang potential partner
- may liberal na pananaw sa buhay
- may edad o mga mas mature

Inisa-isa naman nito ang 11 klase ng pangangaliwa:

1. Accidental infidelity
Madalas itong nangyayari kung nasa ilalim ng impluwensya ng droga o alkohol ang indibidwal.

2. Opportunistic infidelity
Kilala rin ito sa tawag na "one-night stand" kung saan nakakaramdam ng pagkakasala o guilt ang nangaliwa pero nawawala rin ito kapag hindi nabisto.

3. Romantic/emotional infidelity
Ito ang tawag sa mga may matagalang affair sa labas ng kasal dahil hindi tinitigilan ng indibidwal ang pangangaliwa hanggang sa napamahal na siya sa kanyang kinakasama.

4. Conflicted romantic infidelity
Bagama't may partner na at mahal nila ang isa't isa ay may number 2 pa rin ito.

"You have a romantic affiliation with more than one person at a time."

5. Commemorative infidelity
Bagama't may karelasyon na ang gumagawa nito, hindi siya masaya sa kanilang relasyon kaya siya nangangaliwa.

"'Yung cheater na gumagawa nito, inii-strive niya to keep their current unhappy relationship existent."

6. Obligatory infidelity
Nagkakaroon ng ganitong klaseng pangangaliwa kapag may mas mataas sa kanya tulad ng kanyang boss na pinilit siya sa pangangaliwa. Dahil hindi makareklamo, itinuloy na lang ang pangangaliwa.

"It's a fear na hindi ka makapag-resist sa advances ng tao kasi it may result to rejection."

7. Situational infidelity
Hindi man ito nais gawin ng nangaliwa, dahil nadala siya ng mga kabarkadang nangangaliwa ay itunuloy na lang ito.

8. Circumstantial infidelity
Nangangaliwa ang isang indibidwal dahil alam niyang hindi siya mahuhuli ng kanyang kasintahan o asawa lalo na't hindi ito mahigpit o bantay-sarado sa kanila.

9. Pre-meditated infidelity
Dahil hindi na nakakamtan sa kanilang long-term partner ang kanilang pangangailangan, nangangaliwa na lang.

"Gusto mo mag-cheat kahit may asawa ka o sweetheart. May plano."

10. Willful infidelity
May kasintahan o asawa man, gagawin pa rin ang pangangaliwa dahil gusto niya lang.

"You have complete knowledge of the consequences of betrayal."

11. Intentional infidelity
Kung walang panlulupaypay ang isang indibidwal sa kanyang pangangaliwa, intentional ang tawag dito.

Ani Marquez, "whichever form of infidelity takes, it's always a choice. It cuts at the very core of trust in relationships."