Paano malalabanan ang 'hangover'?

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 10:54 AM

Ngayong kapaskuhan, sa gitna ng mga kaliwa't kanan na mga kasiyahan, hindi malayong magka-'hangover' dahil sa dami ng mga inuming nakalalasing na kasama sa mga handaan.

Pero ayon kay Paul Cuneta, isang private chef, maaaring maiwasan ang 'hangover' kung regular na iinom ng tubig kasabay ng pag-tagay ng alak.

Sakali namang magkaroon ka nga ng 'hangover' kinabukasan, maaari kang kumain ng "heavy breakfast," gaya ng mga silog, para maibsan ang epekto nito, ayon kay Cuneta.

Kung tingin mo naman ay di mo kayang kumain ng mga pagkaing solid, maaari ka ring gumawa ng "rich fruit smoothie" gaya ng avocado o banana shake, dagdag niya.

Ito ang recipe ni Cuneta para sa 4 na baso ng banana shake:

1 pirasong saging na saba
2 pirasong saging lakatan
2 cups ng gatas
1 scoop ng vanilla ice cream
1.5 kutsara ng coconut sugar, muscovado o brown sugar

Siguruhing huling idaragdag ang ice cream para manatiling malamig ang smoothie na ito, ayon kay Cuneta. Maaari ring maglagay ng crushed roasted peanuts sa ibabaw kung nanaisin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.