Huling hirit sa pamimili ng regalo bago mag-Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2017 08:26 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Wala pa ring patid ang last-minute shopping ng mga Pinoy isang araw bago ang bisperas ng Pasko.

Umulan man o umaraw, hindi mapigil ang mga mamimili na makipagsiksikan sa Divisoria para sa kanilang mga last-minute shopping.

Puro payong at halos wala ng makikitang kalsada sa Divisoria dahil sa dami ng mga nagtitinda.

Panay rin ang lakad at halos wala nang maparadahan ang mga mamimili dahil isinara na rin ang bahagi ng Recto sa may Abad Santos.

Kahit panaka-naka ang ulan, hindi ito ininda ni Sherylle Agorilla, na apat na oras nag-iikot maibili niya lang ng regalo ang kaniyang mga mahal sa buhay.

"Kasi ang dami ng tao at siksikan din tapos umaambon pa," hinaing ni Agorilla.

Malakas din ang bentahan ng ham at kastanyas kahit umaabot ito ng P320 kada kilo.

Maituturing pa na mas kakaunti ang bilang ng mga humahabol ng pamimili sa Divisoria ngayong Sabado na tinatayang 800,000 kumpara sa 1 milyon nitong Biyernes.
    
"Medyo umoonti dahil medyo umuulan na," ani Chief Inspector Fernando Reyes, tagapagsalita ng Manila Police District Station 11.

--Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.