PANOORIN: Okay lang bang mag-recycle ng regalo?

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 11:37 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Masayang nakisali ang "La Luna Sangre" actor na si Joross Gamboa nitong Huwebes sa "Di Ba Teh At Kuya" segment ng "Umagang Kay Ganda."

Sa isyu kung dapat bang ibigay sa iba ang iniregalo sa iyo, iginiit ni Joross na depende sa sitwasyon kung ibibigay mo sa iba ang natanggap na regalo.

"Kasi minsan kapag may nag-regalo sa iyo, para makatipid gagamitin mong pang-regalo ulit. Eh sigurado ka bang hindi sila ulit 'yung mabibigyan mo kasi after one year makakalimutan mo na 'kanino nga ba galing ito?' Baka bumalik sa nagbigay," paliwanag ni Joross.
 
Maliban sa "La Luna Sangre," bibida si Joross sa pelikulang "Deadma Walking" na ipapalabas sa mga sinehan sa Araw ng Pasko

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.