Jericho, nanawagan para sa 'responsible tourism'

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 11:48 AM

Baha sa Boracay. Larawan mula kay Vail Baylon

MANILA -- Nanawagan ang aktor na si Jericho Rosales para sa isang mas responsableng turismo matapos hagupitin ng bagyo ang isla ng Boracay.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Martes, ibinahagi ni Jericho ang pangamba sa ginagawang pangangalaga sa mga popular na lugar ng bansa na dinarayo ng mga turista tulad ng Boracay.

"Are we just all about having fun and being irresponsible? Are we made to allow ourselves and other people destroy the very things that make us who we really are? We are so unaware. We are or were all guilty at some point. Hurt and sad for #Boracay right now. Scared for the hundreds if not thousands of tourist spots here in our beloved #Pilipinas. Brothers and sisters, please think and educate yourselves about responsible tourism. Help the locals. Educate them too. We can’t just keep inviting people to come here and then that’s it," ani Jericho.

Dagdag na hugot ng aktor, hindi dapat matapos ang turismo ng bansa sa slogan na "It's more fun in the Philippines."

"Is your town/city prepared for tourism? Proper dumpsites? Hospitals? The list goes on. We are killing our own country. Guys we don’t live for our selves alone. What about our kids? The generations after us? Get on your feet, Bora. It’s not too late. Thoughts, prayers and actions from my family to yours. God bless," dagdag ng Jericho.

Nitong Linggo, binaha ang ilang kalye sa Boracay sa paghagupit ng bagyong Urduja.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.