Karla, ipinakita ang bagong-bihis na bahay ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 12:40 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Masayang ipinakita ni Karla Estrada ang bahay nila ng kanyang mga anak na puno ng Christmas decorations at Christmas lights.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ibinahagi ni Karla ang kuwento sa likod ng kanyang hilig sa palamuti tuwing Pasko.

"Kasi kami ni Daniel (Padilla) at ng mga anak ko, mayroon kaming something sa Christmas lights. Dati nago-open ako ng Christmas decors, December na para tipid sa kuryente, mga two weeks before Christmas. Tapos alam mo 'yung inilalagay mo lang sa bintana, tapos hinuhugis mo na star 'yung Christmas lights," ani Karla na ibinahaging ang anak na si Daniel ang mahilig na magkabit ng Christmas lights.

"So ngayon na medyo kaya-kaya na natin, eh punuin 'yan para rin sa mga neighbor na gustong magpa-picture. Dadaan sila rito matutuwa sila kasi mayroon kang Christmas lights na ganyan," dagdag ni Karla.

Giit ni Karla, professional ang nagkabit ng kanyang Christmas lights para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Maliban sa magagandang Christmas lights, kapansin-pansin din ang malaking Christmas tree, malalaking Christmas balls, belen at matatabang mga Santa Claus.