ALAMIN: Mga trabaho sa industriya ng graphics, animation

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2017 08:20 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Masaya si Stephen Gonzales nang matupad niya ang pangarap na lumipat sa graphics at animation mula kursong music education.

Nakahiligan ni Gonzales ang pagguhit ng mga larawan mula pagkabata kaya ito ang nais niyang pasuking propesyon.

Subalit hindi niya inakala na may kahirapan din ang pagsabak sa kurso dahil hindi lang ito basta-basta pagguhit.

Ang digital animation student naman na si Shaira Minorca ay nagsimula nang tumanggap ng mga proyekto sa iba-ibang kliyente bagaman hindi pa nakatatapos sa pag-aaral.

Ipinahayag ni Minorca na nais niyang manatili sa bansa upang itaguyod ang production at animation, at makahikayat ng iba pa na pasukin ang industriya.

Ayon kay Alstaire Sarthou, isang animation director, patuloy na lumalaki ang pangangailangan para sa mga empleyadong may kaalaman sa pagdidisenyo bunsod ng pagyabong ng teknolohiya.

Maaari kasing ipalabas ang mga likha sa telebisyon, games o laro, at mga website.

"Maraming in demand for online animation ... before sa mga TV series at movies, ngayon we have content na dapat i-provide for the internet," ani Grace Dimaranan, animator at graphics designer.

Narito ang ilan sa mga puwedeng trabaho sa industriya ng graphics design at animation:

• 2D anmation
• 3D characterization
• 3D environmentals
• Animatics
• Animation trainings
• Audiovisual presentation
• Caricature/ portraits
• Character designing
• Comic book coloring
• Commercials
• Digital backgrounds
• Digital composting
• Digital painting
• Feature film
• Flash animation
• Game animation
• Game art
• Graphic designs
• Illustrations
• Layouting
• Logo designing
• Non-linear editing
• Package designing
• Pencil testing
• Props designing
• Sound reading
• Storyboarding
• TV series
• Visual effects
• Web design

May mga paaralan na nagbibigay ng mga kurso tungkol sa creative design. Karamihan sa mga ito ay accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kaya libre sa mga nais matuto.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.