Paggawa ng bag, bagong pag-asa ang hatid sa Yolanda survivors

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 06:36 PM | Updated as of Dec 03 2017 08:56 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa si Jimalyn Comandante sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013. 

Hindi lamang ang kaniyang bahay ang nasira ng bagyo, pati na rin ang kabuhayan sa pagtitinda.
 
Nagkaroon ng bagong pag-asang maghanapbuhay si Comandante nang alukin ng pagsasanay sa pananahi ng non-government organization na Taclob.

Sa kasalukuyan, regular na siyang nananahi ng iba-ibang uri ng bag sa pagawaan ng Taclob sa Maynila. 

Ayon kay Comandante, malaking tulong ang kaniyang kinikita sa pagpapaaral ng kaniyang mga anak.

Samantala, plano na rin ngayon ng Taclob na umalalay sa pagbangon ng mga taga-Marawi.

Balak din nilang bigyan ng panimulang trabaho ang lahat ng naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa lungsod. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.