Pinay, wagi bilang Ms. Top of the World Plus Size 2017

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 09:31 AM | Updated as of Nov 14 2017 04:44 PM

Photo courtesy of Ms. Top of the World Plus Size 2017

Isang Cebuana ang nagpatotoo na “big is beautiful” matapos na masungkit ang korona ng Ms. Top of the World Plus Size 2017 pageant na ginanap sa Singapore.

Sinalubong ng mga yakap at palakpak ang 35-anyos na si Jodel Mesina sa kanyang pagdating sa Mactan-Cebu International Airport Martes ng madaling araw.

Ayon kay Mesina, unang pagkakataon niya itong sumali sa beauty pageant. Nais niyang magbigay inspirasyon sa mga plus size na babaeng gaya niya na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa buhay.

"To all the plus size women, never stop and pursuing your dream," sabi ni Mesina.

Tinalo ni Mesina ang 15 pang mga kandidata mula sa iba't-ibang bansa. 

Kahit na unang beses lamang niya ito sa beauty pageant, naging inspirasyon naman niya ang kanyang tiyahin na si Agnes Jakosalem, na naging Mrs. Grandma Universe 2017. Plano niya ngayong magtayo ng grupo na nagbibigay atensyon sa mga plus size women na katulad niya na ay may planong sumabak sa mga beauty pageants. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.