SILIPIN: Makukulay na ilaw sa Ayala Triangle Gardens

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 10:15 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi nagpatinag sa masamang lagay ng panahon ang mga taong nais masilayan ang Festival of Lights sa Ayala Triangle Gardens sa Makati.

Opisyal na pinasinayaan ang taunang atraksiyon nitong Huwebes.

Namangha ang lahat matapos pailawin ang halos 1.6 milyon na LED lights, habang tinutugtog ang medley ng iba't ibang Pinoy na mang-aawit at kompositor.

Ito na ang ikasiyam na taon ng sikat na pagtatanghal sa Ayala Triangle Gardens.

Magkakaroon din ng kaparehas na lights and sound show sa iba't ibang lugar sa bansa.

Kabilang dito ang Vertis North sa Quezon City, Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna, at Ayala Center sa Cebu.

Tatakbo ang Festival of Lights hanggang Enero 7, 2018.

Nagsisimula ang pagtatanghal sa ganap na alas-6 hanggang alas-10 ng gabi. 

-- Ulat ni Winnie Cordero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.