Niña Corpuz, balik-DZMM matapos manganak

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 04:19 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Balik-trabaho na muli sa DZMM Teleradyo si Niña Corpuz ilang buwan matapos magsilang ng kanyang pangatlong anak.

"Mommy for the third time," sabi niya sa programang "Good Vibes."

Nanganak si Corpuz noong Setyembre 19 ng isang malusog na sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Luke Vincent. 

Ang una at pangalawang anak nila ni Vince Rodriguez ay parehong babae.

Setyembre 8 nang mag-maternity leave si Corpuz mula sa pagho-host ng programa nila ni Mark Leviste.

Habang wala si Corpuz, umupo bilang co-host ni Leviste sina Winnie Cordero, Ruby Tayag, at Toni Aquino.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.