Miss Earth winners, sumabak sa 'Mukha Mo' challenge

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 12:00 PM

MANILA --- Halos tatlong araw matapos silang makoronahan, game na nakipaglaro ang mga nanalong beauty queens sa katatapos lang na Miss Earth 2017.

Nitong Martes, sumabak sa challenge na "Mukho Mo" ng "Umagang Kay Ganda" ang Miss Earth winners na sina Miss Earth Fire Lada Akimova (Russia), Miss Earth Water Juliana Franco (Colombia), Miss Earth Air Nina Robertson (Australia) at ang bagong Miss Earth na si Karen Ibasco mula sa Pilipinas.

Sa challenge, kailangan lang na ibigay ng beauty queens ang angkop na mukha para sa partikular na sitwasyon.
 
Ayon kay Ibasco, isang medical physicist, masaya siyang naibalik sa bansa ang korona ng Miss Earth.

"I'm very happy that the crown is back in the Philippines, truly I am," ani Karen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.