'Does size really matter?': Sukat ng 'pagkalalaki', nakaaapekto sa pagtatalik?

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2017 04:26 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na sekswal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang kadalasang tanong ng ilang lalaki pagdating sa sukat ng kanilang ari at kung may epekto ito sa pakikipagniig sa kanilang asawa.

"Ang ari po ng lalaki, karamihan po ay pinag-uusapan 'yan kung ano ba talaga ikinaliligaya ni misis. But, does size really matter?" tanong ni Marquez.

Ipinaliwanag muna ni Marquez ang maituturing na average size ng ari ng lalaki.

"Ang average size naman... sa Asians would be about 5 inches," ani Marquez. 

"Flaccid length range around 2.8 to 3.9 inches. Width, kung flaccid po, 3.5 to 3.9 inches... Erect length range from about 4.7 to 6.3 inches... Circumference, kapag naka-erect, more or less 4.7 inches."

Bukod sa average size, may dalawang klase rin daw ang sukat ng ari ng lalaki: "growers" at "showers".

"'Yon pong tinatawag na 'growers', ito po 'yong mga kalalakihan na may anatomically, they have shorter, flaccid penises," paliwanag ni Marquez. "If you have that, don't worry about it kasi kapag nagkaroon ka ng tinatawag na arousal, then it will become erect."

"Ang 'showers' naman, ay 'yong penises na ito actually kapag nag-erect ay parang pareho lang. There's not so much difference when it's flaccid or when it is erect," dagdag na paliwanag ni Marquez.

Dagdag ni Marquez, hindi nalalaman ang sukat ng ari sa tangkad at size ng paa ng lalaki.

"Wala po 'yan sa height ng lalaki at wala rin po 'yan sa size ng paa ng lalaki," paliwanag ni Marquez. "There's a study that can actually dictate if a man has a bigger [penis] by looking at their hand."

Ayon kay Marquez, iba-iba ang tugon ng mga babaeng kaniyang nakakausap tungkol sa isyu ng sukat ng ari ng kanilang mister.

"Depende po 'yan sa babae. For those na matagal na pong mag-asawa, they say 'oo, doc. Size really matters, kasi parang mas enjoy, doc.' For others naman, 'basta mahal ko siya, doc. Kahit ano pa 'yan, doc. Ok na 'yan, doc.' Good, so wala pong issue diyan."

Mayroong mga misis na sinasabing nakaaapekto sa pagtatalik ang sukat ng ari ng kanilang mister.

Pero may pag-aaral ding nagsasabing hindi isyu sa babae ang sukat ng "kalalakihan".

"Most women don't actually focus on the actual size... Hindi po 'yan kukuha ng ruler o iba pang pansukat para sukatin 'yan... so huwag kang masyadong insecure," ani Marquez. "Mayroon ngang kasabihan 'it's not the size of the ship, but how it rocks on the ocean [the motion of the ocean].'"

Ang pinakamahalaga pa rin aniyang dapat pagtuunan sa ari ng lalaki ay kung may kapasidad pa rin itong makabuo ng bagong buhay.

"That anatomy of that guy's [penis] is important because it should make a baby."

Gayumpaman, hindi maisasantabing maaaring maging suliranin umano kung naiba sa "average size" ang sukat ng ari.

"If it's three inches and below, at naka-erect na, chances are baka po problema 'yon. 'Micropenis' po ang tawag do'n, and it could be a problem," paliwanag ni Marquez.

"If you have a bigger penis, I think it's much more of a problem, if you don't have a good foreplay, there's no good lubrication... masakit [para sa babae]," ani Marquez. 

Pinabulaanan din ng doktor na nakalalaki ng ari ang ilang ipinapahid na creams. Nagbabala rin siya laban sa mga naglalagay ng "bulitas" sa kanilang ari.

"You can actually hurt yourself or you may hurt your partner," ani Marquez.

Maaari pa umanong magdulot ng cancer ang paglalagay ng bulitas sa ari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.