Pilotong si Nelda Ibe, 1st runner-up sa Miss Globe 2017

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 09:42 PM

Itinanghal na 1st runner-up sa Miss Globe 2017 si Binibining Pilipinas-Globe Nelda Ibe.

Ang pageant ay ginanap sa Tirana, Albania Biyernes.

Pumangalawa ang 24 anyos na binansagang "Pilot Queen" sa Vietnamese beauty na si Khanh Ngan na nakasungkit ng korona.

Ibinahagi ni Ibe ang isang retrato sa kaniyang Instagram account, kasabay ng mensahe sa mga tagasuporta.

“‪It was an honor and privilege to represent you my beloved country, the Philippines! To God be the Glory! Love, Your #PilotBeautyQueen and will always be, your Miss Globe 2017 1st Runner up‬,” ani Ibe sa kaniyang post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.