TINGNAN: Owner-type jeep gawa sa kahoy

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2017 09:10 PM | Updated as of Nov 03 2017 09:56 PM

Isang karpintero sa Batangas ang gumawa ng owner-type jeep na ito gamit ang retasong kahoy. Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Isang Batangueñong karpintero ang gumawa ng isang owner-type jeep gamit ang tira-tirang kahoy, isang obra na ngayo'y umaagaw ng atensiyon dahil sa kakaibang pagkakalikha. 

May 70 porsiyento ng sasakyan- ang bumper, hood ng makina, upuan, manibela at ilang bahagi ng katawan- ang gawa sa retasong kahoy.

Ayon kay Romeo Gapas, 45, sinimulan niya itong gawin noong 2014. Nais lang daw niyang may kaaliwan kaya niya ito ginawa.

"''Yun hong mga labis na kahoy [ang gamit]. Sabi ko naman ay wala akong paglalagyan nito, eh di dine na," aniya.

Ayon kay Gapas, patuloy siyang gagawa ng ganitong mga obra para may mapag-aliwan. May ilan na rin daw na nagsabi sa kaniyang gustong magpagawa ng sasakyan mula sa kahoy.

Dagdag niya, nagsimula lamang ang kaniyang obra sa pagmamasid sa kung ano ang meron sa kaniyang paligid.

Hindi naman daw kailangan na mahal o bago ang mga kagamitan para makagawa ng isang kakaibang bagay. Mas kailangan daw ang malikhaing kaisipan at dedikasyon para makabuo ng ganitong obra.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.