ALAMIN: Safety tips sa biyahe sa mga uuwi matapos ang Undas

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 12:29 AM

Matapos ang paggunita ng Undas, marami sa mga lumuwas sa Maynila o tumungo sa probinsiya ang bibiyahe pabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Upang manatiling ligtas at maayos ang biyahe, mainam na tandaan at gawin ang sumusunod na tips:

• Pumunta nang maaga sa terminal ng bus, pier, at airport;
• Takaw mata sa mga kawatan ang alahas at mamahaling gadgets kaya makabubuting hubarin o itago ang mga ito;
• Maging alerto rin sa mga mandurukot at mga salisi.

Para sa karagdagang tips, sundan ang Red Alert sa Facebook page (www.facebook.com/RedAlertABSCBN) at Twitter account (@abscbnredalert). 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.