Miss PH Earth, dumipensa sa kontrobersiya sa 'best in swimsuit'

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 12:41 AM

Dumipensa si Miss Philippines Karen Ibasco sa pagpili sa kaniya bilang best in swimsuit sa Miss Earth 2017. 

Kontrobersiyal ang pagpili kay Miss Philippines Ibasco bilang best in swimsuit sa pageant dahil binansagan itong hometown decision. 

Pero agad niya namang sinagot ang kontrobersiya at sinabing hindi lang homecourt advantage ang dahilan ng pagkapanalo niya.

“It’s a homecourt advantage but at the same time, it’s really about proving yourself to people, you really have to show yourself and all the efforts that you have to give that you’re worthy,” ani Ibasco. 

Runners-up niya sa swimsuit competition ang mga kinatawan ng Peru at Russia. 

Bukod sa swimsuit, nagpasiklaban din ang Miss Earth 2017 delegates sa kanilang talent competition pero nanaig ang mananayaw mula Cyprus na si Artemis Charalampous. 

Ipinakita niya ang galing sa belly dancing na pinalakpakan ng mga manonood.

Nais niyang isulong ang advocacy para sa marine resources conservation. 

Sa Nobyembre 4 gaganapin ang Miss Earth coronation.
 
Bukod sa Miss Universe, International, at Globe, lalaban din si Sherlyn Doloriel sa Miss Scuba International sa Malaysia, si Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamericana sa Bolivia, at dating ABS-CBN courtside reporter Laura Lehmann sa Miss World sa China. 

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.