Para sa araw na ito, Oktubre 6, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 02:44 PM

Ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 6, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Magtiyaga at lalong pagbutihin ang ginagawa dahil malapit nang matapos ang pinaghihirapan mo.

Year of the Ox 
Maraming responisbility ang naka-atang sa iyo kaya gawin ang lahat para hindi sila mabigo.

Year of the Tiger
Magtiwala na kaya mong matapos ang mga project today.

Year of the Rabbit
Maging mature sa pagharap ng challenges at imbes na umiwas, ayusin na ito.

Year of the Dragon 
Kausapin ang taong misming involved at i-ayos ang probelema at huwag basta-basta maniwala sa mga sabi-sabi. 

Year of the Snake
Isang mas batang-edad ang muling magpapaasa at sisira ng iyong puso.

Year of the Horse
May makikilala kang magbibigay ng raket sa iyong trabaho.

Year of the Sheep
Kesa mapabili ng hindi kailangan, umuwi agad pagkatapos ng trabaho para mapa-iwas sa gastos.

Year of the Monkey
Matutong makinig sa sasabihin ng iba at huwag agad mainit ang ulo.

Year of the Rooster
Mag move-on na sa past relationship at huwag i-kumpara ang sarili sa bago niya dahil ikaw ay unique.

Year of the Dog
May panibago kang makikilala mula sa isang out-of-town travel.

Year of the Pig
Nag umpisa na ang kita mula sa maliit na project kaya naman kahit maliit ang income ay tanggapin mo na ang trabaho
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.