PANOORIN: Artworks na likha ng anak ni Aga Muhlach

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 12:23 PM

MANILA - Proud si Aga Muhlach sa kanyang anak na si Atasha.

Sa pagbisita ng aktor sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, masaya niyang ibinahagi ang ilan sa mga iginuhit at ipininta ng kanyang anak na babae.

"Siyempre hindi sa akin 'yan. Sa kanya lang I think or nakuha sa nanay niya ['yung talent]... I think lahat naman ng bata ay mahilig gumuhit. 'Yung iba lang they just stop at naiiba na 'yung landas, lumalabas na at pasyal-pasyal dito, nakakalimutan na ang arts," ani Aga nang matanong kung kanino natuto ang anak sa pagguhit at pagpinta.

Bumisita si Aga sa "Magandang Buhay" para imbitahan ang mga manonood na suportahan ang pinakabago niyang pelikula na "Seven Sundays" kasama sina Enrique Gil, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.
 
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, ipapalabas ang "Seven Sundays" simula Oktubre 11.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.