Mga robot, katuwang na rin sa pag-aaral

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2017 11:12 PM | Updated as of Oct 07 2017 03:03 AM

Bukod sa nakabibilib ang mga kayang gawin ng mga high-tech na robots, maeengganyo na rin ang mga kabataan na matuto ng science and technology, engineering, at mathematics sa pamamagitan nito.

Kayang humataw, mag-exercise, maglaro ng sports, at mag-story telling ng high-tech robot na si Alpha 1 Pro na isang humanoid robot na gawa ng kompanyang UBTech.

Hindi rin naman patatalo ang mga Jimu robots na kayang pumalakpak, sumayaw at pumulot ng ilang gamit.

Pero may smart robots din na hindi lang pang-entertainment kundi puwede rin sa pag-develop ng skills ng bata sa science, technology, engineering at mathematics. 

Isa ang walong taong gulang na si Sofia Leonardo sa mga nag-eenjoy sa paggamit ng Jimu robots. Miyembro siya ngayon ng robotics club ng kanyang eskuwelahan kaya para sa kaniyang mga magulang, malaki ang maitutulong ng ganitong mga laruan. 

Madali lang ding magamit ang mga humanoid robots at jimu robots.
 
Kailangan lang i-download ang app, i-connect sa bluetooth at puwede na itong bigyan ng instructions. 

Samantala, may mga paaralan din na mayroong robotics program at workshop.

Magandang paraan umano ito para maaga mamulat ang mga bata sa programing at coding.

-- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.