Sino ang dapat mag-initiate ng pakikipagtalik?

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2017 05:09 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

"Who should initiate sex? The husband or the wife?"

Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang tungkol sa pagniniig sa pagitan ng mag-asawa.

Aniya, may mga pagkakataong nagiging problema sa relasyong mag-asawa ang kawalan ng sex life.

"Who should make the first move? when it comes to making love? the husband or the wife?" tanong ni Marquez. "Sometimes, you want to make love, tapos nagpapakiramdaman kayo. I'm talking about couples na nahihiyang mag-initiate, especially 'yong wife." 

Paliwanag ni Marquez, nakasanayan nang lalaki ang magpapahiwatig ng kagustuhang makipagniig pero hindi ibig sabihin nito na dapat mister lang lagi ang manguna sa pakikipagtalik.

"Shouldn't the husband initiate? Hindi ba dapat lalaki lang mag-initiate? That's old-school mentality. 'Yang idea that men must initiate either because sex is for men, sex is only for men, that's ridiculous," ani Marquez. "If you want to make love, you should initiate... lalaki ka man o babae ka, especially the wife, you should initiate."

Dagdag pa ng doktor, kapag pinalipas ang matagal na panahon at naging normal nang hindi magtalik ang mag-asawa, maaaring maging mapakla ang kanilang pagsasama.

Ayon pa kay Marquez, hindi lang ang mga matatagal nang mag-asawa ang nakararanas ng panahong walang pagtatalik sa kanilang relasyon. May mga bagong-kasal din daw na nakararanas ng panahong walang pagniniig dahil nagkakahiyaan pa raw sila sa isa't isa.

Kaya naman nagbigay ng tips si Marquez, lalo na para sa kababaihan kung gusto nilang mag-initiate ng pakikipagtalik sa kanilang mister.

"Papakita mo na gusto mo... Do show enthusiasm," aniya. Dapat ipakita ni misis na interesado siyang makipagniig sa asawa.

Hindi rin dapat mahiya sa kagustuhang makipagtalik sa mister.

"Don't beat around the bush... and be active," ani Marquez. Paliwanag niya, huwag magpaligoy-ligoy kung talagang gustong makipagtalik sa asawa. Tiyakin ding magiging aktibo sa pakikipagniig at hindi hahayaang ang partner lang ang magbibigay ng kasiyahan sa pagtatalik.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.