Batangueño, ibinahagi ang sikreto sa kaniyang honey 'bees-ness'

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2017 09:44 PM

Ang lungsod ng Lipa ang itinuturing na "honey capital" ng Batangas dahil sa mahigit 30 honeybee farms sa lugar.

'Yan ang naging sikreto ng matamis na tagumpay at pag-asenso ng isang Batangueño na isang "bee keeper" na si Richard Lontoc.

Ayon kay Richard, nagsimula siya sa "bees-ness" na ito dahilan sa impluwensiya ng mga kaibigan. 

Sa puhunang P50,000, nakabili siya ng 70 boxes ng "colony" na mayroong 7-8 frames na naglalaman ng libo-libong mga "laywan" o honeybee.

At mula sa 70 boxes ng colony ay umunlad ang kaniyang negosyo kaya nagkaroon na siya ng 300 boxes na kasya sa isang hektaryang lupain.

Mabilis din ang paggawa ng produkto dahilan na rin sa pagka-busy ng mga bubuyog sa pag po-produce ng honey. 

Ginamit din ni Richard ang social media para mabilis na makabenta kaya marami ang dumadayo sa kanilang tindahan.

Nagpapatikim din sila mismo sa mga customers para masiguro na puro ang kanilang produkto.


-- Ulat mula sa DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.