Para sa araw na ito, Setyembre 22, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2017 06:16 AM

Ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 22, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Ikaw ang pinakamasuwerte sa araw na ito. Gamitin ito upang maraming work output ang matapos.

Year of the Ox 
Mainam ang araw na ito upang simulang pumirma ng mga bagong proyekto.

Year of the Tiger
Pag-isipan at huwag madaliin ang pagdedesisyon sa mahahalagang bagay.

Year of the Rabbit
Bad day ito at posibleng makagawa ka ng maling desisyon dahil sa pressure at stress.

Year of the Dragon 
May magandang balita kang matatanggap dahil sa isang oportunidad na ibibigay sa iyo. 

Year of the Snake
Mainam na simulan mo na ang iyong plano. Tandaan na simula 2 p.m. hanggang 5 p.m. ang lucky time mo.

Year of the Horse
I-check nang maiigi ang mga second hand na mga gamit na bibilhin upang makaiwas sa mga problema.

Year of the Sheep
Mag-ingat sa paggastos ng pera dahil may malaking gastusin na paparating.

Year of the Rooster
Paglaanan ng plano ang out of town kasama ang buong pamilya. 

Year of the Monkey
Magkakabalikan at magkakaayos kayo ni partner. Huwag hayaang masira ang tiwala niya sa iyo.

Year of the Dog
Huwag magpadala sa iyong galit. Hayaan munang lumamig ang sitwasyon bago makipag-usap.

Year of the Pig
Ipadama at sabihing "I love you" sa mahal mo sa buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.