Para sa araw na ito, Setyembre 21, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2017 06:57 AM

Ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 21, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Habaan mo ang iyong pasensiya at sikaping maging kalmado dahil madali kang maiirita ngayong araw.

Year of the Ox
Bad day today kaya huwag maging matigas ang ulo at matutong makinig sa iba.

Year of the Tiger
Magbubunga na nang maganda ang hardwork mo sa trabaho.

Year of the Rabbit
Gamitin ang pagiging good talker upang madaling ma-convince na bumili ang mga kliyente.

Year of the Dragon
Iwasan ang pagkain ng marami upang mapanatili ang pagiging sexy.

Year of the Snake
Maraming isyu at problema ang iyong haharapin ngayong araw kaya habaan ang pasensiya.

Year of the Horse
Ituloy-tuloy lang ang pag-inom ng gamot upang bumuti ang kalusugan.

Year of the Sheep
Magandang araw ito at maraming matutuwa sa hairstyle mo.

Year of the Rooster
May pagbabagong mangyayari sa iyo. Hindi ito magiging madali sa umpisa ngunit unti-unti kang magkakapag-adjust.

Year of the Monkey
May childhood friend kang tatawag sa iyo. Makipagkita sa kanya at makipagpalitan ng ideya tungkol sa career.

Year of the Dog
Mag-exercise upang mapanatili ang iyong kalusugan.

Year of the Pig
Bibiyayaan ka ngayong araw dahil sa pagtulong mo sa ibang tao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.