Para sa araw na ito, Setyembre 20, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2017 06:49 AM

Ngayong araw ng Miyerkoles, Setyembre 20, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Bad day today kaya pairalin ang trust o intuition para hindi ka mapahamak.

Year of the Ox
Ibalanse ang oras para sa pagtatrabaho at pagpapahinga upang hindi ka mahilo.

Year of the Tiger
Gumaganda na ang samahan ng pamilya kaya mabuti ring maglaan ng oras para sa kanila.

Year of the Rabbit
Good day today kaya ayain ng lunch si crush.

Year of the Dragon
Umiwas na magbigay ng komento dahil posible kang ma-misunderstand dahil dito.

Year of the Snake
Ipaglaban mo ang iyong paniniwala, paninindigan at ang iyong prinsipyo.

Year of the Horse
Tapusin agad ang iyong trabaho upang makauwi nang maaga.

Year of the Sheep
Huwag pairalin ang emosyon, mag-isip-isip upang maresolba ang mga problema.

Year of the Rooster
Iwasang maging judgmental sa ibang tao at kilalanin muna sila nang maiigi.

Year of the Monkey
Matutong tumayo sa sarili at huwag dumepende sa ibang tao.

Year of the Dog
Magkakapera ka ngayong araw dahil babayaran ka ng taong may utang sa iyo.

Year of the Pig
Panindigan ang pangakong binitawan para hindi masira ang tiwala nila sa iyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.