Para sa araw na ito, Setyembre 18, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2017 11:07 AM

Ngayong araw ng Lunes, Setyembre 18, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Good day ito kaya kausapin ng personal ang iyong kliyente para ma-feel nila ang magandang serbisyo mo.

Year of the Ox
Makakaranas ng pagdududa kay partner kaya mainam na kausapin at mag-clarify ng mga agam-agam.

Year of the Tiger
Mag-ingat sa mga taong kasama mo sa biyahe lalo na kung 'di mo sila kakilala.

Year of the Rabbit
Ilibre ang iyong katrabaho na tumutulong sa iyo.

Year of the Dragon
Magkakaroon ng pagbabago sa iyong trabaho at para ito sa ikabubuti ng grupo.

Year of the Snake
Suwerte ang bagong nilipatan na bahay. Mainam na bumili at mag-display ng lucky charm.

Year of the Horse
Makakaramdam ka ng mood swing at posibleng mapaaway dahil rito.

Year of the Sheep
Mainam na magtanong at linawin sa kausap ang iyong agam-agam.

Year of the Monkey
Best day ito dahil makakatanggap ka ng doktor na magaling na makakatulong sa iyong kalusugan.

Year of the Rooster
Dagdagan ang pag-inom ng tubig at fruit juice.

Year of the Dog
Makipag-kuwentuhan sa pamilya upang gumaan ang problemang kinahaharap.

Year of the Pig
Kausapin muna ang grupo bago mag-implement ng bagong trabaho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.