Kambal na magkadikit ang ulo, nangangailangan ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 10:13 PM

Ipinanganak na magkadikit ang ulo ng kambal na si Joy at Joyce Magsino. 

Bagama't mahirap ang buhay, kinakaya ng dalawa na mabuhay ng normal, sa kabila ng kanilang kalagayan.

Dahil sa kanilang kundisyon, hindi naipasok sa normal na paaralan ang dalawang bata. Natatakot rin ang kanilang lola na maging tampulan ng tukso ang talawang bata.

Tinatawag na craniopagus twins sina Joy at Joyce. Isa lamang sila sa limang kambal sa Pilipinas na may parehong kaso.

Ayon sa mga doktor, possible pang mapaghiwalay ang dalawang bata, ngunit aabutin ng maraming operasyon bago ito mangyari.

Sa isang Facebook post, humingi ng tulong si "Rated K" host Korina Sanchez ng tulong sa kanyang mga kaibigan para maka-ipon ng P5 milyon para mapaghiwalay ang dalawang bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.