Para sa araw na ito, Setyembre 15, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 06:05 AM | Updated as of Sep 15 2017 06:53 AM

Ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 15, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Huwag kalimutang batiin ng happy birthday ang iyong kapamilya today. 

Year of the Ox 
Good day ito. Marami kang accomplishment na matatapos ngayong araw.

Year of the Tiger
Huwag hayaang maubos lamang ang oras sa pagfe-Facebook.

Year of the Rabbit
Huwag patulan ang mga naninira sa tsismis upang maiwasan ang kapahamakan.

Year of the Dragon 
Gawing inspirasyon ang katrabaho upang matapos agad ang gawain.

Year of the Snake
Masuwerte ka ngayong araw. Magandang kausapin ang iyong boss mula 1 p.m. hanggang 3 p.m. 

Year of the Horse
Gamitin ang creativity upang mapa-oo si partner.

Year of the Sheep
Good day ito dahil makakapag-ipon ka sa bagong sideline na ibinigay ng iyong katrabaho.

Year of the Rooster
May bagong lovelife na parating upang magbigay-ngiti sa iyo.

Year of the Monkey
Good job ang work output mo at may pera ka ngayong araw para sa weekend bonding ng pamilya. 

Year of the Dog
May taong makauunawa sa pinagdaraanan mo ngayon.

Year of the Pig
Huwag patulan ang mga taong naninira o naiingggit sa iyo dahil hindi ka mananalo. Mabuting hayaan mo na lang sila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.