Para sa araw na ito, Setyembre 12, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 10:58 AM

Ngayong araw ng Martes, Setyembre 12, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Para maging safe ang ipong pera, i-deposit agad ito sa bangko.

Year of the Ox
Bantayan at hawakan ng mabuti ang bag o cellphone dahil prone kang manakawan today.

Year of the Tiger
Simulan ang araw ng exercise upang manumbalik ang iyong sexy figure.

Year of the Rabbit
Ipagpabukas na lang ang negotiation dahil posible kayong mag-away ng kliyente mo today.

Year of the Dragon
Tapusin ang trabaho dahil posible kang magka-problema sa work.

Year of the Snake
Isama ang kaibigan sa activity para hindi ka nag-iisa.

Year of the Horse
Masaya at maraming accomplishments sa araw na ito.

Year of the Sheep
Madaling mapapagod today dahil weak ang energy level ng star mo.

Year of the Monkey
May car-related accident kaya mag-ingat at mag-focus sa pag-drive.

Year of the Rooster
Gamitin ang iyong koneksyon upang makuha ang gustong trabaho.

Year of the Dog
Gamitin ang iyong social media upang mabenta at maubos ang iyong tinitinda.

Year of the Pig
Manood ng sine kasama ang pamilya para mag-bonding moment kayo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.