Para sa araw na ito, Setyembre 11, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 11:14 AM

Ngayong araw ng Lunes, Setyembre 11, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Strong ang love star sa chart mo. May isang taong may letter M, E, G, R, A ang magbibigay ngiti sa iyo.

Year of the Ox
Good deal ang business negotiation today kaya tanggapin mo na ito.

Year of the Tiger
Bago pirmahan ang kontrata ay ikonsulta muna sa abogado upang hindi magsisi sa huli.

Year of the Rabbit
Mag-ingat sa water-related accident. Gumamit ng life jacket kung ikaw ay lalangoy.

Year of the Dragon
Bayaran na ang utang upang hindi masira ang tiwala ng iba.

Year of the Snake
Upang patuloy na gumanda ang kalusugan, kumain sa tamang oras.

Year of the Horse
Upang hindi mapahamak ay huwag agad-agad maniwala sa sinasabi ng iba.

Year of the Sheep
May conflict star sa iyong chart today. Kaya iwasang makipagtalo kay partner.

Year of the Rooster
Maging magalang sa mga matatanda. Gumamit ng "po" at "opo."

Year of the Monkey
Humihina ang iyong kalusugan kaya naman magpakonsulta agad sa doktor.

Year of the Dog
Sa isang coffee shop ay makakasalubong mo ang dating kakilala na magbibigay sa iyo ng trabaho.

Year of the Pig
Dagdagan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang pag-inom ng soft drinks at juice.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.