Bahura ng Tubbataha, kinilala para sa pangangalaga ng 'yaman' nito

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2017 11:26 PM | Updated as of Sep 12 2017 02:45 AM

Kinilala ang Tubbataha Reefs Natural Park sa 4th International Protected Areas Congress sa Chile nitong Huwebes, Setyembre 7. 

Iginawad ng Marine Conservation Institute sa Tubbataha Reef ang Platinum Global Ocean Refuge Award bilang isa sa mga "superlative marine protected area" o pinakapinangangalagaang anyong-tubig sa buong mundo.

Malaking hamon naman sa pamunuan ng Tubutaha Management Office ang patuloy na pagpapanatili sa kondisiyon ng bahura.

Batay sa pag-aaral, sentro ng marine biodiversity ang Tubbataha.

Tinatayang mayroong 195 na uri ng isda ang naninirahan sa reef.

Matatagpuan din dito ang mahigit 70% na uri ng coral sa buong mundo.

Taong 1993 nang ideklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na "world heritage site" ang Tubbataha.

-- Ulat ni Chinee Palatino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.