Para sa araw na ito, Setyembre 8, 2017: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 07:12 AM

Ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 8, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat
Dapat mo nang matutunang magtago ng sikreto.

Year of the Ox
Tumulong sa iba para tuloy-tuloy ang iyong grasya.

Year of the Tiger
Maraming kikitaing pera kung ilalako mo ang iyong produkto.

Year of the Rabbit
Mag-focus sa iyong trabaho para madali mo itong matapos.

Year of the Dragon
Ipagpaliban na lang bukas ang opening ng negosyo.

Year of the Snake
Nag-aalala ang mga magulang mo sa iyo, kaya naman i-text sila at i-update sa mga activity mo.

Year of the Horse
Ang pagkain ng pinya at papaya ang mabisang paraan sa pag-cleanse ng iyong katawan.

Year of the Sheep
Matutong magsalita dahil mahalaga ring marinig ang mga suggestion mo.

Year of the Rooster
Huwag hayaang mawala ang opportunity. Tanggap lang nang tanggap.

Year of the Monkey
Iwasang makipagtalo at hayaan na lang ang ibang magdesisyon.

Year of the Dog
Ipakita ang iyong best dahil na sa iyo ang atensiyon ng lahat.

Year of the Pig
Mapapatunayan mo ngayong araw ang iyong galing sa trabaho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.