PANOORIN: 'Promise of love' ni Anthony Taberna sa kanyang asawa

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2017 05:56 PM

Sa taong 2019 pa ang kanilang renewal of vows, pero nagbigay na ng maagang "promise of love" ang ABS-CBN broadcaster na si Anthony Taberna sa kanyang asawang si Rossel.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, nangako si Anthony na mas tataasan pa niya ang intensity ng kanyang pagmamahal sa asawa.

"Ang pangako ko ay kung ano ang level, ang intensity ng pagmamahal ko ngayon, ay mas matindi pa sa mga sumusunod na panahon. Love you," aniya.

Si Rossel naman, inaming natutuwa sa malaking pagbabago ni Anthony, na dati ay hindi sweet sa asawa.

"Ang laki ng in-improve niya... naramdaman ko talaga 'yung pagbabago and very thankful ako doon. Nararamdaman ko talaga sa puso niya 'yung pagmamahal niya sa akin at sa aming pamilya," ani Rossel. 

Dagdag niya: "Every day, ang unang-una kong pinagpapasalamat sa Diyos ay dahil siya 'yung naging asawa ko."

Magandang Buhay, Setyembre 7, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.